Wednesday, August 15, 2012

Ahon Pilipinas (Reality-based Fanfiction)


Ilang linggo nalang at magsisimula na ang kauna-unahang Automated Elections sa bansang Pilipinas. Noong araw na iyon ay nagkaroon ng isang Meeting de Avance para sa lahat ng kakandidato sa pagka-pangulo, bise-presidente, senador, congressman, mayor, vice mayor, at hanggang sa kadulu-duluhang mga posisyon sa gobyreno. 



Napakadaming tao sa EDSA. Daig pa ang unang People Power Revolution noong 1986 na nakapagpatalsik sa administrasyong Marcos. Ganun din naman sa iba't ibang mga lalawigan at rehiyon - nagsisiksikan ang mga madlang people para lang makinig ang mga sinasabi ng mga pulitiko. Maging ang staff at guests ng Showtime, Wowowee, ASAP, Eat Bulaga, Talentadong Pinoy at iba pang mga programa sa telebisyon ay nakatunganga sa pambansang Meeting de Avance na sabay-sabay ginaganap sa buong kapuluan. Grabe, daig pa ang laban ni Manny Pacquiao sa pagkatahimik ng buong bansa. Wala kang makikitang krimen, gigs, concerts, o kung anu-ano pa man sa ibang lansangan. Lahat ng mga Pinoy ay nakatutok sa isa sa pinakamahalagang yugto ng taong 2010.

Ngunit hindi nagtagal, unti-unting nagsisiraan ang mga magkakalaban. Bumanat ang Team Noynoy sa Team Villar na sila daw ay "Secret bet ng Administrasyon", lalo na daw si Manny Villar. Rumesbak naman ang Team Villar sa kanila at sinabihan silang "Walang Plataporma at umaasa lang sa magulang", lalo na daw si Noynoy Aquino. Binanatan din si Erap sa kanyang record ng katiwalian noong siya ay Pangulo pa ng Pilipinas. Binanatan din si Loren Legarda sa kanyang pagiging "Political Butterfly". Binanatan din si Gibo na "Noob sa politics" kasama ni Edu. Binanatan din naman si Bro. Eddie Villanueva sa paggamit ng kanyang relihiyon sa pulitika. Kanya-kanyang siraan. Kanya-kanyang batuhan ng kamatis, patola at sibuyas. Nagkagulo na ang lahat, dahil sa mga hidwaan sa bawat partido. Maging ang mga supporters nila ay nagaway-away na. Nagbatuhan narin ng kamatis, patola, sibuyas, at halos lahat ng mga gulay sa kantang "Bahay Kubo". Ang mga lalaki at babae ay nagrambol. Nagka-stampede na mas malupit pa sa ULTRA stampede. Maging sa ibang bayan at lalawigan ay nagsagutan na ang mga tao. Maging ang mga pulis at militar ay nagbabarilan ng kanila. At syempre, ang mga MILF at NPA ay nagkanya-kanya din. Sa makatwid, na gulo ang buong Pilipinas: Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isang hindi inaasahang pangyayari, biglang nagdilim ang langit. Maya-maya pa'y natanaw sa langit ang napakadami at sunud-sunod na mga eroplanong pang-militar. Maging sa mga dalampasigan ay may mga barkong nagsidatingan. Lahat sila ay may mga sakay na mga armadong lalaki at babae. Mga galing Korea at China. Mga dayuhan.Napakadami nila at lahat sila ay armado. Lahat ng makita nilang Pilipino, pinagbabaril at pinagpapatay nila - bata, matanda, may ngipin o wala. Nakakaawa. Dahil dito, unti-unting naubos ang mga Pilipino. Nagkalat ang mga patay na katawan sa lansangan. Madami ring bahay at ari-arian ang pinasabog ng mga mananakop. Sira-sira na lahat, pati mga bilboards at tarpaulins. Hindi rin nakaligtas ang mga taga-Visayas at Mindanao: maging sila (at ang mga NPA) ay natalo ng mga dayuhan.

Ngunit hindi nila alam, ang mga presidentiables ay nakapagtago sa ilalim ng lupa, kung saan dati nagtago ang mga sinaunang Pinoy noong panahon ng Hapon. Natakot sila sapagkat nagkakagulo sa itaas at madaming Pilipino ang nadadamay. Ngunit ang masaklap ay nagsisihan pa sila.

Bumaba galing sa itaas na pinto si Efren Penaflorida at Jun Lozada na may dala-dalang sugatang babae. Maganda siya, maputi, at ang kanyang mahabang buhok ay kasing-kulay ng liwanag ng araw. Maamo ang kanyang mga bughaw na mata.

Bagama't magkakaaway at magkakaiba, nagtulung-tulong ang mga presidentiables (at iba pang nasa ilalim) na isalba ang buhay ng dalaga. Mabuti nalang at may medical team. Ginamot ang babae pari narin si Efren at Lozada. Noong magising ang babae, nagsalita siya at nagpakilala.

Ang pangalan niya ay Cheri Ferrer, isang half-Australian at half-Pinoy. Hinimok niya ang mga Pilipino na magkaisa sa mga Koreano at Intsik. Dahil dito, nagkaisa ang mga presidentiables at nagpadala sila ng mga sugo patungo sa iba't ibang rehiyon sa Pilipinas upang maiparating ang mensahe ni Cheri, na dapat magkaisa ang mga Pilipino at ipagtanggol ang kanilang lahi.

Ang plano sa rebolusyon ay tila natupad. Libu-libong mga eroplano at barko ang nagsidatingan sa Luzon, at ang mga tao ay nagsipunta sa EDSA kung saan halos lahat ng mga taga-Luzon ay nagtipon-tipon, gaya ng 1986 People Power Revolution. Walang armas. Walang militar. Walang ibang sandata kundi rosaryo, bulaklak, at panalangin. Nag-martsa sila patungo sa base ng mga dayuhang Koreano at Intsik. Nakahanda ang mga kalaban at nakatutok na ang kanilang mga baril at kanyon. Ngunit nagpatuloy parin sa pagmartsa ang mga Pilipino. Nanguna sina Efren, Lozada at Cheri. Sumunod naman ang mga Presidentiables at Vice-Presidentiables. Kasunod ang mga natirang artista at taga-mass-media. Nasa-likod nila ang lahat ng mga Pilipinong natira.

Di nagtagal, lumabas ang isang representative ng Korea. Pinababa na niya ang mga armas ng kampo nila at sinabi sa mga Pinoy na uuwi na sila sa kanilang lupain, sapagkat nakita na nila ang tunay na pagkakaisa ng mga Pilipino. Pagkabigkas niya ng mga salitang iyon, sumakay na siya sa kanyang private jet at nagsi-alisan na ang lahat ng dayuhan, Koreano at Intsik. Wala nang ibang natira sa bansang Pilipinas kundi ang mga Pilipino.

Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa wakas! Malaya ka na ulit. Nagdiwang ang mga Pilipino ngunit nagluksa din sa mga nawala sa kanila. Nagtulong-tulong ang mga namuno sa rebolusyon upang mai-rennovate ulit ang Pilipinas. Nagpadala sila ng mga lider sa iba't ibang rehiyon at itinigil na ang corruption. Tila nagising ang mga Pinoy sa katotohanang "ang pagtayo sa sariling paa ay isang malaking responsibilidad".

Makalipas ng ilang taon, taong 2018, naging normal na ulit ang bansang Pilipinas. Itinatag ang panibagong gobyerno kung saan ang namumuno na ay si Jun Lozada bilang Pangulo at si Efren Penaflorida bilang Bise-Presidente. Naging Secretary of National Defense and Peace Propagation naman si Cheri Ferrer, na ikinasal na kay Efren. Ang sweet noh?

Bukod doon, madami pang mga bagay ang nagbago. Hindi na tumakbo muli sa pulitika ang halos lahat ng mga kasali sana sa 2010 elections. Nag-retire na si Manny Pacquiao sa boxing at sa pulitika, at ipinamigay ang kalahati ng kanyang ari-arian sa mga mahihirap at mga biktima ng pananakop. Nagbukas ulit ang ABS-CBN, GMA, TV5 at iba pang mga channels ngunit nabawasan na ang bilang ng mga artista dito. Madami ang piniling tumulong nalang sa kapwa sa likod ng kamera. Pagdating sa musika, naayos na ang hidwaan ng mainstream at underground, at kapwa na sila tinatanggap ng mga madla people. At higit sa lahat, naging masaya at mapayapa ang Perlas ng Silangan.

Nawa'y magpatuloy ito hanggang sa mga susunod na siglo. =)

-WAKAS! :D-
Thanks for reading!

No comments:

Post a Comment