Thursday, September 6, 2012

Bora Girl



Araw-araw nalang. Minu-minuto na pati. At kahit kada Segundo, may bagong profile pic si Candy sa kanyang Facebook account. Dagdagan mo pa ng sangkatutak na Boracay pics sa iba’t ibang album, na pare-pareho naman halos ang mga pose! Nakakaumay na! Overrated na!

Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Julieta. Ang pangit man ng pangalan ko, at least alam ko sa sarili kong wala akong ine-epalang mga tao. 

Klasmeyt ko simula elementarya hanggang kolehiyo si Candy Batumbakal. Maganda ang kanyang mukha at seksi ang kanyang katawan. Ngunit hindi naman siya kaputian, kaya’t ganun na lamang ka-awkward ang tumingin sa kanyang mga bikini at two-piece shots sa Facebook at Twitter. 

Isa lang naman syang waitress sa isang resto sa Bora. Kita mo, hindi naman talaga sila mayaman, feeling nya, artista sya! At kung minsan, kung mag-tweet, jejemon na, baluktot-English pa! Sabay post ng picture na may kasamang mga hunks at sari-saring mga drinks.

Sa sobrang inis ko, inunsubscribe ko sya sa Facebook ngunit hindi ko sya inunfriend kasi baka magalit sa akin. Hindi narin ako muna masyadong nagbubukas ng Twitter, baka mabasag ko lang itong screen ng computer ko. Ay, oo nga pala, CRT monitor parin kami, kasi jologs lang ang buhay ko eh. Wag nyo nang alamin kung bakit.

Dumaan ang mga araw, linggo, at buwan. Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pa mang balita mula kay Candy. 

Hanggang sa isang araw, may pumutok na balita. Tila may pinag-chichikahan ang mga daldalin naming kapitbahay.

“Hindi ba’t kaklase iyon dati ni Julieta?” sabi ni Mang Jun.

“Ay s’yanga! Nakakahiya naman sa mga magulang nya, noh?” sabi ni Aling Purita.
“Nanay, tatay!” Biglang singit ni Totoy, na anak nung dalawa. “Ano po yung pinag-uusapan n’yo?”

“Hay naku! Hindi yun pambata.” Sabi ni Aling Puring habang namamaypay. “Lakad na sa bahay, madami ka pang assignments.”

“Sige po inay.” Ang medyo malungkot na tugon ni Totoy.

Bigla akong na-curious. Ano kaya yung pinag-uusapan nila? Sinong kaklase ko kaya iyon? At bakit ‘hindi pambata’ ang isyung yun?

Hanggang sa may ibinalita sa TV na babaeng ginahasa. Dali-dali akong lumapit sa TV at sinubaybayan ang bawat detalye.

Ayon sa report, nakita daw ng mga suspek ang na-photoshop na mga litrato nito sa Facebook na kung saan inilagay ang kanyang mukha sa katawan ng mga porn stars. At bukod pa doon, dahil daw sa maya’t-mayang pag-tweet ng babae tungkol sa kanyang lokasyon ay na-istalk siya ng mga hacker at mga masasamang-loob. Ngunit hindi na daw natukoy kung sino-sino ang mga sangkot dito, pwera sa mga nanggahasa sa kanya.

Nagulat ako sa impormasyong aking nakita. Ang babae ay walang iba kundi si Candy Batumbakal, na natagpuang walang malay sa isang restroom sa isang bar sa Bora.

Tila natakot ako sa nangyari. Para bang ang pagkakasumpa ko sa kanya ay nagkatotoo. Pero hindi rin eh. Madami din namang galit sa kanya dahil sobrang nakakainis na ang kanyang paglandi sa harap ng Internet. Si Jose na bf ko, na kahit naaakit din sya sa kanya kahit konti, ay nalalaswaan sa kanyang mga katangahan. Si Marj at si Belle, mga bffs ko, nandidiri din, kasi minsan talagang luwa na ang cleavage nya eh. Hindi naman sya maputi, at lalung-lalong hindi naman sya artista.

Waitress lang sya, tulad ko. Pero at least ako, sa Jollibee nagtatrabaho at hindi sa isang resto na puro mga matatakaw na chickboy. At wala din naman akong WiFi smartphone para ipaglandakan sa publiko ang aking mga pinaggagagawa sa loob ng mga frying station.
Hindi ko talaga magets ang logic ng mga babaeng tulad ni Candy. Tuloy ang landi pero ayaw naman magpa-rape. Ano ba yun!

No comments:

Post a Comment