Tuesday, April 30, 2013

Sisikat din ako sa YouTube (Someday, I'll be famous too in YouTube)




Taong 2013 na, wala pa ring nakakakilala sa akin. Teka, ilang taon na ba ako dito sa website na ito? Mahigit anim na yata. Pero ang natatanggap kong mga comments, tila pangungutya lang.

Dahil ba hindi ako matangkad? Hindi magaling kumanta? Walang sense of humor?
Dahil ba pangit ako? O pangit ang pagkaka-mix ko ng mga kanta?
Dahil ba MS Paint lang at Windows Movie Maker ang gamit ko?

Dahil ba dun?

Oo nga.

Ano nga naman ang binatbat ko kina Charice Pempengco, Maria Aragon, at kung sinu-sino pang YouTube sensation galing Pilipinas.

May pag-asa pa kaya ako?


Maliit lang ang kwarto ko, at tamang 1 MBPS lang ang Internet connection. Freelancer ako.

Ay oo nga pala, ang pangalan ko ay Clarissa. Baka kung ano ang isipin ninyo. Taga-Bulacan po ako. Kaka-graduate ko lang ng Political Science.

Pero ang totoo, ipinilit lang naman sakin ang kursong iyon. Hilig ko talaga ang tumugtog ng piano at gitara, gumawa ng mga kanta, mag-remix, mag-parody, mag-drowing ng comics. Sinubukan ko na ring gumawa ng mga ‘Let’s Play’ o yung maglalaro ka ng isang game (ex. Plants Vs. Zombies o Minecraft) tapos irerecord mo at iuupload sa YouTube na may kasamang commentary (pagsasalita). Magpapatawa ka, at kung nakakatawa ka, ayos yun. Dadami ang hits mo.

Pero corny ako eh. Sensya na.
Kahit anong pilit kong mag-joke, gumamit ng mga memes, parodies, etc., wala parin. Ni wala nga nakakaalam dito sa bayan namin ng aking pinaggagagawa sa YouTube.

Kalokohan lang daw yun.

Oo nga.

Malaking kalokohan.

Wala naman talaga akong talento.
At ang lahat ng ito ay hobbies lang.
Pampalipas-oras.
Pampa-gaan ng loob.

PERO ITO ANG GUSTO KONG GAWIN SA BUHAY KO AT NAKAKAPAG-PASAYA SA AKIN.

Pwede sana akong mag-abogado pero tinamad na ako. Ayokong mabaliw. Baliw na nga ako, magpapakabaliw pa ako. ‘no yun?
Noong medyo noob pa ako sa YouTube, sabi ko lagi sa sarili ko:

“SISIKAT DIN AKO SA YOUTUBE. BALANG ARAW. LULUHOD ANG MGA TALA GAYA NG SINABI NI SHARON CUNETA.”

At hanggang ngayon, yun parin ang nasa isip ko.

May ilan akong mga kamag-anak na mahilig din sa music at arts, pero nasa kabilang-buhay na sila. Ang natira dito, puro mga ‘tunay na babae’, ‘tunay na lalaki’. DUH hindi nila kayang i-digest ang aking mundo. Ever.

Mahirap lang kami, pero nagpupumilit parin akong magsikap para sa pamilya. Bukod sa aking mga sideline rackets (remixing, showband, tutor kapag pasukan), ayoko magtrabaho ng full-time, kasi nga gusto ko maging sikat sa YouTube.

Alam kong mas mabuti maging indie, pero ito talaga ang pangarap ko.
Aware din ako sa mga ‘Illuminati’ at kung anu-ano pa man ‘yon. Ahem hindi naman ako aabot sa ganun na ibebenta ko na ang kaluluwa ko.

Meron din naman ilang artistang nakaapak parin sa lupa kahit sikat na sila.

Yun ang gusto kong maabot.
Yung at least may makakaapreciate sa ginagawa mo. Yung mga pinagpuyatan mong kanta, lyrics, pag-remix, etc. Yung pagdodrowing mo maghapon kahit alam mong mali-mali ang proportion ay sige parin. Parang si Anne Curtis, full of confidence! Idol ko sya. Haha.

Para nga akong si Anne Curtis, pero hindi nga lang ako sikat. Ouch.

Emo ako? Aba proud ako dyan. Bakit, lahat naman tayo nakakaramdam. Poot, galit, pagka-inggit. Ano ka ba, tao din ako, nasasaktan. Sinusubukan ko naman maging positive pero hindi kaya eh. Hindi kaya ng powers ko. At least nagpupumilit hindi ba?

Ang point ko, buti pa yung mga sumisikat sa YouTube at nagiging trending.

SIMPLENG KANTA AT COVER SONG LANG, NANALO NA AGAD SILA NG EXCLUSIVE RECORDING CONTRACT SA MGA BIGATING LABELS.

AT…PURO REVIVALS! WOW. GALING TALAGA.

Samantalang ako, ilang layers yata ng gitara, synths, piano ang binubuo ko sa aking bulinggit na FL Studio, Abelton Live at Reaper. Yun nga lang, pangit kasi ako kumanta, kahit i-Autotune ko pa. BLEH.

Kukuha ako ng singer? Pano? Wala ngang interesado sa mga kanta ko. Pambata daw kasi, yung parang mga kanta sa Barney. YUCK DAW. HAHAHA.

Tapos kapag pinakita ko sa kanila yung mga drawings ko ng Fairy Tail at One Piece, ampangit daw, parang drowing ng bata.

Hindi nila alam kung nakailang erase ako at pagpapractice. Nanonood naman ako ng mga YouTube tutorials, ah.

Excuse me, lahat ng ginagawa ko, kumukunsulta ako kay Google para sa mga tutorials. Sinusubukan ko talagang mapagpabuti ngunit ayaw talaga.

Hanggang, isang araw, tinawag ako ng nanay at tatay ko. Iniapply na daw nila ako sa isang sikat na pulitiko para maging secretary.

PULITIKO? YUCK. AYOKO. DELIKADO YUN.

Hindi naman sa nilalahat ko na ang mga pulitiko ay masama. Pero sa kabuuan eh yun talaga eh. Baka madamay pa ako sa kung anong kalokohan ang maganap. Tsk tsk tsk.

Mapilit ang mga magulang ko. Isang araw, paggising ko ay ibinenta na ang aking desktop. Lahat ng mga sketches ko sa drawer, sinunog na pala sa likod ng bahay. Yung gitara at keyboard ko, ibinigay sa magbabakal.

OH ANO PA? DALI DALI ANO PA? ANO PA ANG PWEDE NILANG WASAKIN?
AS IF HINDI PA WASAK NA WASAK ANG PUSO KO? HAHAHAHA!

Sad to say, hindi ko na kaya.
Hindi na kinaya ng powers ni Clarissa.

Nung gabi, naghanap ako ng lubid at umakyat sa maalikabok na attic.

Teka, mali ito.

Kung ito ang gagawin ko, tiyak na mahuhuli agad ako.

Tumingin ako sa labas.

Ay oo nga pala, apartment nga pala ito. Tapos nasa pinakatuktok pa kami ng building.

AYOS! GAME!

Kumuha ako ng papel at nagsulat. Umaagos ang luha mula sa aking mga matang magang-maga na sa kaiiyak. Pero nakangiti ako.

Sinet-up ko yung webcam at naglabas ako ng mensahe.

“Hello Philippines, hello world. My name is Clarrisa Mae L. Delgorio, 21 years old a.k.a. ShadowSputnikGirl777. As you know, I am from Baliuag, Bulacan. This is going to be the last video that I will upload on YouTube. From here, thank you very much to those people who have spent their lives knowing my existence and even though I have a very little audience, I am happy that everything went well and my account didn’t get banned, because I always uploaded original content.

In a few minutes, I am going to jump off my apartment. Yes…I am terribly sorry for what I am going to do, but…there had been some issues in my private life, and there is no way to escape it, so I am ending it here. My life-long dream was to become famous on YouTube, just like Charice or Maria or Moymoy Palaboy, or other superstars, but I don’t think anyone even knows my existence, except for my 17 little subscribers from the time I became a YouTuber up to now.

Dearest subscribers, thank you very much and I’d like to advice you…don’t become the way I am now. Let this be a lesson to you, never give up on your dreams, no matter how impossible they are. Be what you want to be, make your own future and you will see. Hold on to your life and celebrate it.

As for me, I am done with this life.

Again…

…thank you.”

At pagkatapos, nagsulat ako ng instructions katabi nung webcam.

Sabay talon.

Nakangiti.

Wala nang problema.

Kahit na sa impyerno ako mapapunta.

Wala na akong pakealam.

Hindi ba’t mas sisikat ang isang tao…

…kapag nasa kabilang buhay na s’ya?

Ganun ang patakaran dito sa mundo eh. Kapag namatay ka na, saka ka lang maaalala. Kahit anong sama mo, dadalawin ka parin sa iyong burol. Iiyakan, dadasalan, aalayan ng bulaklak.

Pero one-shot lang din yun.

Pagkatapos, wala ka na.

Kinalimutan ka na.

Pero ayos narin sa’kin yun. Maging sikat kahit mga isang linggo lang.

Salamat...maraming salamat…sa inyong lahat.

------

Hello po. Ako po si Cherry Ann, kapatid ni Clarrisa, na nagpakamatay isang buwan lang ang nakakaraan. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos na maisip na nagawa iyon ng aking ate, pero tanggap ko na, dahil ang pinakamahalagang nangyari ay tinuruan niya kami ng leksyon…na lahat tayo ay may karapatang maging maligaya sa kung anong gusto natin, at lahat ng pangarap ay pwedeng maabot kapag gusto mo talaga.

Ako din po ang inutusan ni ate na mag-upload ng kanyang kahuli-hulihang video sa YouTube, na umabot na ngayon sa 7 million hits. I-fineature din ito sa TV Patrol, Aksyon, 24 Oras, at kung saan-saang TV shows, websites, at pati sina Ellen Degeneres at Oprah, nabilib! Super trending pa sa Twitter ng halos buong buwan! Napanood din ni US President Barrack Obama at Pangulong Noynoy Aquino ang video ni ate, at dahil doon ay binigyan din kami ng konting incentive (grocery thingies at college educational plan para sa’kin). Panay nga ang mga reporters dito sa bahay! Hehehe. Sayang, sana andito pa si ate. Gustong-gusto nya ngang mapa-TV eh.

Hindi parin ako makapaniwala, pero nakakalungkot rin. Kung kelan patay na si ate, saka lang siya na-discover ng mga tao…lahat ng music nya, artworks nya, mga remix, stories, at kung anu-ano pa. Sobrang talented talaga si ate at proud ako sa kanya, kahit wala na sya ngayon. Naaalala ko noon nung buhay pa sya, kahit ako lang yata ang solid fan nya, masaya na rin kami noon. Pero nagbabago talaga ang mundo, at hindi na nya kinaya ito.

Ito lang po ang masasabi ko sa mga gustong maging sikat sa YouTube, mga musikero, storywriter, director, artist, graphic artists, etc., sana ay magsilbing aral po si ate Clars sa inyo, na huwag po kayong sumuko sa inyong mga pangarap, kahit na ipinipilit kayo ng ibang tao sa bagay na hindi ninyo gusto. Dahil lahat ng bagay ay nakikita ng Diyos at inaapreciate niya ito.

Ate Clars…kung nasaan ka man, siguradong masaya ka na. At masaya din kami para sa’yo.

Fan sign naman dyan, oh!

WAKAS

Music Video: Sisikat Din Ako Sa YouTube



No comments:

Post a Comment