Monday, July 7, 2014

Dahil sa Wattpad


Sulat dito, sulat doon. Ganyan ginagawa ko since 2006, nung malapit na ako magtapos ng high school.

Bata pa lang noon ang kapatid ko na si Hana. Napansin ko rin nang dumaan ang mga panahon na nagsusulat ako ng mga kwento na nahihilig din siya sa pagbabasa. 

"Ate Yuki!" sabi niya. "Ang gaganda naman ng mga love stories mo!"

"Salamat!" tugon ko.

Love stories lang? 

Paano yung mga kwento ko na tungkol sa mga aliens, mga squatter na pinaalis ng mga bigating pulitiko, at mga teenagers na nabaliw dahil sa cyberbullying? Paano na yung gabi-gabi kong puyat na pagkatapos ng assignments ay magsusulat ako ng sarili kong kwento mula sa experiences ko sa buhay ko? Paano na yung mga magic dragons, alternate dimensions at mga magkaibigan na kelangang magkahiwalay dahil magkaibang mundo sila? Paano na yung mga multo na walang ginawa sa buhay kundi mang-istalk ng mga magnakakaw at mga pulitiko pero hindi nila mabago kasi deds na sila? At higit sa lahat, paano na yung mga babae at lalake sa isang gubat na kinuha ang laman-loob para lang maibalik ang buhay ng isang babae na mangkukulam pala? Paano na yung mga alimango na naghahanap ng tunay na kaibigan pero niluto nalang at ginawang crab omelet?

Kung tutuusin, 5% lang ng mga kwento ang romance. Kadalasan ito yung mga fantasy pero romance, horror pero romance, psychological / social pero romance, puro paningit lang. Pero bakit nagpupumilit pa lagi si Hana na puro romance daw ang isulat ko? Eh puro romance na nga sa TV, sa mga teleseryes, sa mga pelikula, sa mga nobela, kahit panahon pa ni Balagtas at Rizal puro romansa na ang inaatupag nating mga Pinoy. 

Nakakabagot na, kaya halu-halong genres ang sinusulat ko.

Nagsimula lahat ng pinakamatinding galit ko nang lumabas ang Wattpad at nauso ang mga Pop Fiction. Syempre si Hana, parang drugs na sa kanya ang Wattpad, at nagsimula na syang magsulat ng mga ka-lechehang romantic encounters nya. Yung mga crush-crush, third party, mag-on, friendzone, kilig moments. Napagdaanan ko na lahat yan, at nakakaumay din. Marami naman kasi pwedeng paghugutan ng pag-ibig, hindi lang romansa. For example: pag-ibig sa Diyos, magulang, kaibigan (not necessarily friendzone pero tunay na pagkakaibigan), trabaho / hobby / profession, o kahit ano / sino pa yan.
Ang nakakaasar ay this year lang nag-umpisang magsulat si Hana pero nakita ko ang Wattpad nya ay andaming likes / reads na agad. Ganito ba talaga ka-hopeless romantic ang mga Pinoy? Sadya ba talagang mababaw ang pangkaraniwang genre preferences natin? Hindi ba talaga tayo mahuhumaling sa mas complex na stories ng mga aliens at psychological na bagay? Mas sumasamba pa ba tayo sa mga lecheng rom-coms at teen fiction na yan? Tanong ko lang.

Maganda naman ang romance, wag lang sobra kasi ampangit na sa mata. Ganun din sa kahit anong ma-mainstream na genre, dubstep, electronic music, K-pop, at kung anu-ano pa. Lahat ng sobra ay masakit sa mata at sa tenga, parang naka-loop na Bieber songs.

Kung tutuusin, pare-pareho naman ang mga romance formula ng mga kwentong ganyan: boy meets girl > relationship > LQ / third party > bati na ulit. Nakakasawa din, parang yung mga sangkatutak na patayan, aksidente at korapsyon na napapanood natin sa TV. 

Kaso ayun, buti pa si Hana, nagtagumpay sya kahit sobrang simple lang ng mga kwento nya. May nag-alok pa sa kanya na movie producer hanggang sa naging pelikula na yung kanyang walang kwentang romance novel. Buti pa sya sumikat kahit bagong writer sya. Ako, since 2006 pa pero "weird" daw ang mga sinusulat ko. 

Wala kayong pakealam, gusto ko magsulat ng hindi romance eh. Marunong pa kayo sa nagsusulat, nakikibasa lang kayo.

At nung isang araw, nagkaroon ng book signing si Hana. Sakto ding nakapag-release na ako (sariling bunot sa bulsa) ng isang novel na science fiction / psychological. Sa book signing sa National Bookstore, sandamakmak ang mga tao, mostly mga babae na 13-16 ang edad.
Nagdilim ang paningin ko. Hinakot ko ang pagkabigat-bigat na kahon ng mga koypa ng sci-fi novel ko at nilagay ko sa may tabi ng table ni Hana.

"Hi! Baka gusto nyo rin bumili at magbasa ng science fiction novel ko...!"

"Mas nakakatandang kapatid ako ni Hana...since 2006 pa ako nagsusulat pero ngayon lang ako nakapagrelease ng novel..."

May ilang mga babaeng lumapit at ilang mga lalake. Tiningnan nila at medyo binuklat-buklat. Pansin ko sa mga mata nila na parang bored sila.

"Wala ka bang romance?" sabi ng isa. "Uso yun ngayon! Bakit hindi ka magsuat ng mga romance? Nakakakilig kaya!"

"May romance din ako pero halos lahat na kasi ng mga tao puro romance na ang sinusulat..." sabi ko.

"Ano ka ba!" sabi ng isang maarteng babae na naka-Louis Vuitton pa yata at naka-curl ang buhok. "Alam mo miss, honestly speaking, walang magbabasa ng mga childish stories mo. Pambata lang yang mga fantasy stories mo! Mas matanda ka kay Hana pero balikat ka mag-isip? Kung ako sa'yo, magsulat ka na ng romance para kumita ka rin...pera pera lang..."

Hindi ko na pinatapos ang walanghiyang babaeng yun. Tumakbo ako sa sekyu, binunot ko ang baril at pinagtatadtad ko ang mukha nya ng bala. First time kong gumamit ng baril pero wala akong pakealam. Pinaulanan ko lahat ng makita ko sa paligid ko. Wala akong pinili, kahit ang sarili kong kapatid na si Hana. Bwisit na bwisit na ako sa kanya at sa mga taong puro romance nalang ang inaatupag sa buhay. Yung mga taong hindi naiintindihan ang tunay na kahalagahan ng imahinasyon at ang pagkahaba-habang panahon kong nagsusulat, nagpupuyat at minsan ay naglalaslas dahil sa sobrang depresyon. 

Walang tumutulong sa akin dahil wala kaming magulang, wala akong kaibigan. Wala.
Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nagbaril nalang ako sa sarili.

Lahat ng ito...

....dahil sa Wattpad.

No comments:

Post a Comment