Monday, July 28, 2014

Fleshless (Voiceless Crack Fic)



"As usual, ang burara mo kasi, eh."

"Huhu...pano na ito..."

Dahil gustong-gusto ni Momoxhien na makapanood ng kanyang sinasambang Syntax Error band at ikamamatay niya kapag hindi niya ito nasulyapan, nag ala-Mission Impossible siya sa may guard house kasi nga, di mahanap si ticket.

Agad siyang napansin ng mga guards.

"Hoy, miss, umuwi ka na. Alam naming nawawala yung ticket mo kasi kanina ka pa nag hi-hysterical sa may entrance. Rules are rules. Tsupi!"

'Antaray naman...' bulong ni Momo sa sarili.

"Anong sabi mo??!" Narinig ni lady guard na parang susuntukin si Momo.

"Ang sabi ko...."

Nagdilim ang mga mata ni Momo at nagbago ang kulay ng puti, naging black sya, tapos naging red yung iris. Tapos may mga ugat sa tabi ng mata nya. Tapos may mga tentacle thingy sa likod nya.

"PAPASUKIN NYO AKO, MGA LECHENG GWARDYA!!! KELANGAN KO MAKITA SI SYNCBABES!!!"
Ni-mass murder ni Momo lahat ng humarang sa kanya - guards, bouncer, ticketing staff, fans, etc. Humawan ang crowd sa pagbabarbecue ni Momo gamit ang kanyang 'kagune' (yung tentacle thingy).

Mabilis ang galaw niya, hanggang sa narating na nya ang stage, kung saan nabitawan ni Sync ang kanyang microphone.

"S-sino ka?!" takot na panunuro ni Sync.

"I'M YOUR BIGGEST FAN....MOMO...I'M MOMO...I LOVE YOU SYNCBABES...I LOVE YOU LOV--"
Sinampiga ni Sync ang babaeng ghoul.

"Umayos ka nga! Nasa concert tayo tapos magpapaka-Yuno Gasai ka dyan! Ano ba pakay mo?" galit na tugon ni Sync.

"Gusto ko lang naman..."

Dali-daling pinuluputan ni Momo si Sync gamit yung kagune nya tapos kinuha yung kamay nya at binuksan ang naglalaway na bibig.

"...mabusog sa pagmamahal!!!"

Sa pagkaka-kagat ni Momo sa kamay ni Sync ay kinain niya ang balat at laman nito. Itinapon nya ang mga buto at naging gore fest sa stage.

Yung ibang members, pinatay narin ni Momo before nya kunin si Sync (kala nyo plot hole, ha?)

Nagdilim din ang mga mata ni Sync at napangiti na parang demonyo.

"Momo ba...tama?"

"Oo...bakit?"

"Hehehe. Nagkamali ka ng hapunan!"

Sa pagkakasabi nya nun ay nag-spark at nag-transform sya. Naging higante sya na labas ang laman-loob sa mukha.

"Aba, aba...Titan Shifter ka pala?" napangiti si Momo. "Tamang-tama kasi binge eater ako (walang kabusugang ghoul) at tiyak na mabubusog nga ako sa pagmamahal mo, Syncbabes! Tehehehe! "

Pero dahil naging Titan na si Sync ay hindi na sya nagsalita. Bagkus ay sinusubukan nalang nyang kainin o patayin si Momo pero dahil hindi tinatablahan ng kahit ano (except kagune ng ibang ghoul) ang mga ghoul ay sorry nalang sya.

Meanwhile, natulala nalang ang bespren ni Momo.

No comments:

Post a Comment