Friday, August 8, 2014

My Congress Bae


Malungkot as usual ang buhay namin dito sa baryo. Walang kuryente kaya puro kami kandila na nagkakanda-ubos na. Halos kalyohin na ako sa kakapaso ng kada patak kapag ililipat ko ito sa banyo, sa kusina, sa kwarto, etc.

Ito ang simpleng buhay ni Riza Ponteverde. Simple at walang kwenta. Buti pa ang kapitbahay namin sa malayo, may videoke gabi-gabi. Kami, matutulog nalang.
Isang gabi, may narinig akong ingay sa labas. Umuulan at bumabagyo. Sabi sa radyo, may bagyo daw. "Glenda" ang pangalan.

"Sino bang sira ulo ang maglalakad sa gitna ng bagyo?" Inisip ko.

Pero binuksan ko parin ang pintuan kasi may tumatao-po. Kawawa naman. Hinihingal pa yata.

And, ayun tumabad sa akin ang isang basang sisiw. OMG ang pogi nya! Sino kaya sya?

"Ano po kailangan nyo?" Tanong ko sa lalaking nakapang-Amerikana pa at may dalang malaking bag.

"Miss...pwedeng...patuloy...kahit 1 week lang..."

Nabingi ako sa sinabi nya. "HAAA!?"

"Narinig mo, miss? Pwede sana...patuloy...kasi lumayas ako sa amin..."

Medyo natulala ako, but ayun, pinapasok ko si kuya. Kawawa kasi, anlakas ng bagyo tapos may lumilipad na yero. Baka mapugutan pa kami ng ulo.

Tinawag ko agad sina nanay at tatay. Agad sila nag-prepare ng tuwalya at mainit na kape. Medyo naaninag ko na ang mukha ng lalakeng ito. Parang...nakikita ko sya sa mga tarpaulin sa bayan...teka teka...

"Sir...sino ka po?"

"Ahh...ako ba? Salesman lang ako...lumayas ako sa amin kasi nag-away kami ng parents ko..."

Napailing ako. "Parang kilala kita eh..."

Sumabat si nanay. "Ikaw yung nasa tarpaulin, ah!"

"Oo nga!" sabi ko habang pinagmamasdan ng maigi ang mga mata nya. "Ikaw yung congresman...ano nga yun...? Limot ko na apelyedo nun...basta...malaking mukha tapos kasama yung tatay na governor ata natin...."

"Tama ka, anak! Sya nga yun! Walang pagdududa!"

Diyos ko po, congressman, nasa bahay namin? Ano ipapakain namin? Wala naman kami nung mga bacon-bacon na 'yun at mga hamon...wala din kaming extra na kwarto...san sya tutulog? Pa'no na....

Kinausap ni mama si kuya, na ang pangalan pala ay Cong. Marvin Salcedo, na anak ni Gov. Bienvenido Salcedo. Political dynasty nga naman, oh!

Pero...mukhang mabait sya. Akala ko, puro papogi lang sya gawa nung sa tarpaulin at sa mga pangangampanya. Hays, buti nalang hindi sya suplado. Halos lahat kasi ng nakakausap namin na matapobre ay mga matataas ang ere.

Niligpit ko ang tasa nya ng kape at bumalik sa kwarto ko. Hindi pa kasi ako tapos gumawa ng assignments. Hassle naman...may 'bwisita' pa kami....pero hindi naman talaga sya mukhang 'bwisita'. Hehehe.

Paggising ko kinabukasan, nalaman ko na sa sala na sya nakatulog ng walang kumot. Hinayaan ko muna syang matulog ng mahimbing...baka magalit sakin kasi malamang pagod 'yun.

Pumasok nalang ako sa school na kunwari walang nangyari kagabi. As usual, mga classmates ko, nakikipaglandian sa kani-kanilang mga 'bae' daw kuno. Tapos maghihiwalay din.

Ano ang bae?

"Before anyone else" daw.

Parang masyadong general yung term na yun pang lovers yata. Anyways, di ko na problema yun. Malaking problema ko kung paano namin itatago si congressman.

"Gagamit po ako ng alias. From now on, call me Marc Dizon. I'll pretend to be a salesman traveler. Okay lang po ba? Basta wag nyo po ipagkakalat ang secret identity ko."

Ganun? So kelangan nya mag-shades at disguise sa public? Well, sige.

So, ang naging setting ay tumutulong si Marvin/Marc sa pagtitinda sa karinderya ni mama at minsan ay sa vulcanizing shop ni papa. Dumaan ang mga araw at medyo nagiging close na rin kami, at naikukuwento niya ang mga araw nya bilang congressman.

"Ano eh....paalam ko sa father ko kunwari nagbabakasyon ako sa province." Sabi nya habang napapakamot sa ulo noong nagkakape kami ng isang hapon, habang gumagawa ako ng assignments.

"Ang hirap mabuhay bilang pulitiko. Kelangan lagi kang nakangiti, parang artista. You need to be forced to do things na hindi mo gusto. Kahit minumura na kami ng taumbayan, pinipilit parin ako ni papa na magbingi-bingihan at tanggapin yung mga kickback..."

"Ang lungkot naman..." napatingin ako sa baba ng balkonahe namin, na isang ilog na may mga batang naliligo.

"Sa totoo lang...akala ko yung mga pulitiko mga sira-ulo at walang puso. Akala ko nagpapataba lang sila sa pera ng taumbayan. May ilan pala na tulad mo na napipilitan lang..."

Oo, aaminin ko na gusto ko na talaga sya. Hindi sya yung first impression ko na suplado, etc. Mabait sya. Nag-iigib ng tubig pampaligo, nagsisibak ng kahoy, namamalengke kahit naka-disguise (naka-bonnet at naka-shades). Minsan, naghihilamos pa sya ng uling para lang mag-mukhang taong grasa, para hindi daw sya mahlata ng mga taga-palengke.

At yun na nga, simula nung dumating sa buhay ko si Marvin, nag-iba na talaga ang tingin ko sa mga pulitiko. Pero kahit ganun, may mga puliti ko paring sadyang matakaw at buwaya, tulad ng tatay nya na pinaghahanap na sya, kasi ilang months na rin ang nakalipas.

"Riza...alam mo yung bae?"

"Oo...bakit?" sagot ko habang nagkakape ulit kami ng isang hapon. "Before anyone else. Nauuso yun sa school namin. As if may jowa ako...hahaha. Bahala sila sa buhay nila. Mag-aaral nalang ako."

"Yeah, but to be honest, I never had a bae, either."

"Talaga? Yang gwapo mong yan? Bakla ka ba?"

"No no...I'm not gay...hahaha. Hindi lang ako masyadong playboy, hindi katulad ng mga pinsan ko, laging nasa casino at club. Samantalang, ako lagi yung busy sa trabaho. But...I do want to have a bae...someone I'll love before anyone else."

"Wehh...." Napatawa ako na parang sinaniban.

"It's true, Riza." Medyo iba yung ngiti nya, parang namatayan ng kamag-anak. Napatingin sya sakin at lumapit-lapit na parang hahalikan ako. O_O

"I'm sure magkakaroon ka rin ng bae someday...hindi ka naman tomboy, right?"

"Hahaha...binabalik mo lang yung tanong ko...."

Madami pa kaming ganitong moments na medyo close, pero torpe parin! Wahaha!

Kasi naman, kung magiging kami...baka magalit tatay nya. Baka magalit nanay at tatay ko, sabihin mag-aasawa na agad ako. Romeo and Juliet. Masakit.

Nung isang araw, magkasama kami sa palengke. Ang tanga-tanga ko naman at aksidente kong nadagil yung shades ni Marvin. Ayan tuloy, medyo may nakamukha tuloy sa kanya, sabay alis agad kami. Naku po, sana hindi nila napansin masyado. Huhuhu.

"Riza, Marvin..." tawag kami ni tatay at pinapasok kami sa kwarto nya, kasama si nanay.
"May sasabihin kami sa inyo. Wag nyo pagkakalat. Mahalaga lang na malaman nyo bago may mangyari pang iba, at bago umalis si congressman."

Hindi pa masyadong tapos yung sasabihin ni tatay at may biglang kumatok sa pintuan. Ayaw nilang buksan. Bakit kaya?

Hanggang sa tuluyan nang nasira ang pintuan namin gawa sa sawali. Nakapasok ang mga tila-NBI. Naguluhan ako. Nahilo. Nataranta.

Biglang dinakip si Marvin.

'Naku lagot...ito na siguro yung staff ng tatay nya....'

'Eh sya naman kasi nagpumilit magtago....'

Narinig ko parin ang sigawan sa labas, kaya't lumabas ako. Pinipigilan ako nina tatay at nanay pero sa kalooban ko, parang ayoko na syang iwan.

Kahit hindi ko man sya mapilit na umalis, at least makapagpaalam man lang ako.
"LET GO OF ME! AYOKONG SUMAMA SABI!" Narinig ko ang malakas at nakakabinging sigaw ni congressman, na naging ka-close ko na. Ramdam na ramdam ko ang awa. Kung pwede lang....may magawa sana ako...sana wag ka nalang umalis...

Paglabas ko, sandamukal na mga flash ng camera at media ang tumambad sa harapan ko. Para akong sinisilaban sa init ng panahon. Nakakataranta talaga. Gusto ko lang makapagpaalam kay Marvin pero may napakalaking sea of people ang nakaharang.

"Marvin...!!"

Napalingon sya at nakaalpas sa mga sekyu. Hinawakan nya ang kamay ko at dali-daling itinakas ako sa may pintuan ng bahay namin. Nakita ko si governor na bumunot ng baril. Tapos, si Marvin, bumunot din ng baril (may baril pala sya!? Bakit hindi nya sinasabi sa'kin? >_<).

"Ayokong sumama sa inyo, papa! Dito nalang ako! Mas masaya ako dito, sawang-sawa na ako sa pulitika! Pinilit mo lang naman ako, eh!" Sinigawan nya ang sarili nyang tatay. Nakakakilabot, pero tama din sya. Hindi dapat pinipilit ang anak sa hindi nya gustong gawin, lalo na ang mangurakot sa taumbayan.

"Magnanakaw din yan...." nagbubulungan ang mga tao sa paligid ko. Tinatawag ba nila si Marvin na kurakot? Excuse me!

"Hindi po sya kurakot! Pinipilit lang talaga sya ng tatay nya!" Sumigaw ako at nakuha ko ang atensyon ng mga tao.

"Sa totoo lang, nung nanirahan sya sa amin, sya ang nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, tumutulong sa vulcanizing at karinderya namin...at ni isang bese hindi sya umutang o kumupit sa amin! Magalang po sya at palakaibigan! Ayaw nyang maging pulitiko pero wala syang choice! Sana po, hayaan nyo nalang sya sa gusto nya..."

Hindi ko malaman kung tama o mali ba ang ginawa ko pero wala na eh. Yun na yun.
"Basta, I've made up my mind!" dagdag ni Marvin. "Dito na talaga ako maninirahan, mas masaya ako bilang isang ordinaryong mamamayan! Sawa na ako sa luho!"

Lumapit si governor.

"Marvin, my son...baka naman pwede tayong mag-usap..."

"Wala nang usap-usap pa!" Itinutok ni Marvin sa tatay nya ang baril. Wow, grabe ka naman, Marvin. Tatay mo yan. Tatay mo parin yan.

"Tatay mo parin yan, Marvin!"

"Hindi ko sya tatay! Inampon lang ako!"

"H-ha!?"

"Oo...kaya sobra-sobra ang binibigay na luho sa akin...pero hindi 'yon sapat! Hindi mo maibabalik ang buhay ng nanay ko!"

"Nanay mo? Hahaha!" Napatawang parang demonyo si governor. "Yang babaeng kalaguyo mo...ang tatay nyan ang pumatay sa nanay mo!"

Medyo napatigil si Marvin, pero nalaman na namin kay nanay at tatay ang buong istorya bago pa man dumating ang hukbo ni gob.

"Hindi ka sure, papa!" Medyo may ngiti si Marvin at hinid parin nya binababa ang baril. "Nakausap ko ang tatay nya. It turns out na ikaw ang nakapatay sa nanay ko, tapos nung gabing 'yon, tinawag mo ang tatay ni Riza at sya ang napagdiskitahan ng iyong staff, kaya sya tumakas!"

"Sinungaling! Basta ipakukulong ko sya, at kasama ka na...wala kang utang na loob!"

"Excuse me!? Utang na loob? Sa murderer ng magulang ko?"

"Sawang-sawa na ako sa pagiging plastic mo, papa. Alam ko na ang lahat. Kung hindi ko pa nakilala si Riza at ang pamilya nya ay hindi ko pa malalaman ang tunay mong ku--"

Wala akong kamalay-malay ay biglang nagpaputok ng baril si gov. Sa harap ng media? Walangya naman, oh.

Nagtakbuhan ang mga tao, right and left. Yumuko ako at napaupo sa maduming lupa. Nakikipag-barilan din si Marvin, kahit alam nyang may mass media...wala na eh, una na kasing bumunot ng baril ang papa nyang buwaya.

In that instant, nakita kong nabaril ni gov si tatay, pero mukhang sa braso lang. Tatakbo sana ako para tulungan sya, pero bigla akong napalingon at nakita kong nakatutok naman sa'kin ang baril ni gob.

"Masunog ka sa impyerno, anak ng bruha!"

Anlakas ng putok ng baril. Sure ako na tinamaan ako.

Pero, walang dugo, pagmulat ko.

"M-Marvin...!?"

Ito na nga po ang kinatatakutan ko.

"Marvin...!? Hindi...."

Natahimik ang buong paligid. Nagsitigilan ang mga flash ng camera. Nabitawan ni gob ang baril nya.

"Naku....oh sh....Marvin....nakaharang ka kasi...."

"Anak....patawad...."

Dali-daling lumapit si gob sa kinapupwestuhan namin para yakain ang anak nya pero pinigilan sya ng mga pulis.

"Mamamatay tao! Sarili mong anak, babariln mo? Hayop ka!"

"Mahiya ka, gobernador ka!"

"Napapala ng buwaya!"

As for me, sinusubukan kong gisingin si Marvin.

"Marvin...tara...dadalhin kita sa ospital....nauna na doon sina tatay at nanay..." 

Nagmamakaawa akong sana hindi sya mamatay habang sinusubukan ko syang buhatin. May ilang gustong tumulong sa paligid ko pero nakangiti lang si Marvin.

"Salamat....Riza....until the end...."

"....you cared for me....before anyone else...mahal na mahal kita..."

Napaiyak ako.

"Ako din Marvin...mahal na mahal kita....hindi ko masabi-sabi pero mahal na mahal kita..."

Medyo papikit na sya.

"Hoy...Marvin....andyan na ang ambulansya...hoy....gising! Hoy....! Marvin....!"

Hindi ko na maipaliwanag ang pag-iyak ko noon.

"Marvin....Marvin....."

.
.
.

Ilang months ang lumipas, at suspended pa rin ang mga media na nag-cover ng shootout sa pag-itan ng governor at ang congressman....ang congressman na nakasama ko ng kahit maikling panahon lang. Inalis na sa pwesto si gob at pinalitan ng vice-gov. Tahimik lahat sa lugar namin.

Pumunta ako sa isang madamong lugar kung saan bumubuga ng malamig na hangin ang mga ulap at tinatangay nito ang mga tuyong dahon sa paligid.

"Goodmorning bae...heto, dinalhan ulit kita ng paborito mong adobo. Alam kong peborit mo yan! Wag mong sasayangin, ha? Kainin mo, ha?"

"I love you bae..."

"I love you, I love you....mahal na mahal kita...mag-iingat ka palagi..."

Inilagay ko sa puntod nya ang adobong nakabalot sa plastik katabi ng dama de noche. Naiiyak parin ako habang niyayakap ang puntod nya. Leche naman kasi, bakit ko pa sya nakilala kung mamamatay din lang sya? Pwede naman hindi, eh! Ang tanga-tanga ko kasi...dapat ako nalang yung nabaril....

...pero kung ako ang namatay, siguradong ganito rin ang mararamdaman nya.
Hanggang sa huling sandali, nagawa nyang aminin din sa'kin ang nararamdaman nya, at ganun din ako. At least, kampante na ako.

"Marvin..."

"May balita ako sa'yo..."

"Alam mo ba, nahimatay ako kagabi at dinala ako sa ospital..."

"Ginastusan lahat ito ng papa mo. Nagbago na sya. Humingi na sya ng tawad sa'min kahit nasa kulungan na sya."

"Alam mo ba kung bakit ako nahimatay?"

.
.
.

"May Leukemia daw ako. Lahi daw namin."

THE END


No comments:

Post a Comment