Tuesday, April 12, 2016

Oh My Extremely Chaotic Political Rally!


Busy somehow si Anna Medrano sa pagkukumpuni ng tinutuluyan nilang bahay na hugis sapatos sa ilalim ng Bundok ng Ebott. Katulong niya ang kanyang bespren na nakakaintindi sa kanyang dog language na walang iba kundi si Toby Fox. Nandyan ang mga power tools: gamit ni Toby ang isang demolition jackhammer at gamit naman ni Anna ang isang jig saw. Parang music video lang ng "Satisfaction", except hindi malaswa.

Suddenly, may biglang nabukas na portal sa kulay asul na dingding. Maliwanag na maliwanag ito at sa kabilang banda ay maririnig ang malalakas na sigawan na tila may mga pulitiko na nagsasalita sa unahan, which pwede nga. Bakit, ano ba ang title ng fanfic na to? Magbasa ka nga! Hehehe!

"I...ngay..." bulong ni Anna kay Toby. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan sa kanilang dog language, pero sige, itratranslate nalang natin sa normal na salita para maintindihan natin.

"Are there some politicians on the other side?" Sabi ni Toby, habang kinapitan ang kamay ni Anna at sabay sila pumasok sa loob ng portal. "We'd better check it out."

.
.
.

San Pedro City, San Pedro Province, Enima, Enidouka. May political rallies na nagaganap - ang TRUBAE party (Truth, Respect and Unity Before Anything Else) at ang INDO party (Intuition Never Disrupts Operations). Ang bawat party ay paingay ng paingay habang papalapit sina Anna at Toby. Dahil ang Skima Central Square lang ang pinakamalaki (at ang available) na venue sa buong siyudad, dun nalang nila pareho ginanap ang political party.

Sa isang side, dumating ang isang kakaibang float na korteng bungo ng tao, sakay si Sans at iba pang cast ng Undertale. May mall show? Kasali ba sila sa MMFF? May MMFF ba sa Enidouka? Probably, pero saka na lang yun. Basta tumigil muna sila para manood ng rally.

Naglabas ang INDO party at ang TRUBAE ng kani-kanilang mga musical performers. Sa INDO, nagperform ang mga old time favorite OPM acts ng Enidouka - si Tony Panganiban (ang Yael Yuzon ng Enidouka) at si Mark Reyes (ang Jay Justiniani) at iba't-iba pang mga acts. But nung TRUEBAE na ang nag-introduce sa kanilang guest performers, may lumabas na lalaki na nakasalamin at naka-horse costume.

"AlDub you, Maalden kita"
"AlDub you, Maalden kita"
"Isang pabebe wave mo lang... "

Parang familiar kay Toby ang naririnig nyang kanta.

"Haven't we heard this before, Anna?" Tanong nya sa babae.
"Parang...si R..." sagot ni Anna.

Meanwhile, may isa pang lumabas na lalaki na may dalang acoustic guitar. Medyo shy sya ng konti at napatingin kay Sans, na nagmamasid sa malayo, sakay parin doon sa kanilang McFloat. Nagsalita sya ng slight sa mic, na somewhat kaboses nung driver ng caro dun sa isang episode ng Juan For All, Sugod Bahay.

"Ikaw ang 'sanlibo't isang tuwa"
"Ipagsisigawan sa buong bansa..."

"Okay that's it, I know these guys!" Naalala din ni Toby ang lalaking ito.
"K..." Naalala din sya ni Anna, since medyo naka-sneak in sila sa paglalaban ni K at ni Carrie nang walang katapusan

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga bet ng San Pedro City para maging bagong mayor ng kanilang lugar. Una ang taga INDO party.

"Maraming salamat po! Kahit medyo hindi ko marinig yung palakpakan nyo dahil sa aking hearing defects, nararamdaman ko po ang supporta ninyo na maibalik ulit ako sa serbisyo publiko! Muli, ako po si Dindo Gomez, tumatakbo for Mayor ng San Pedro City! Mabuhay ang Enidouka!"

Nagsigawan ang mga fans at fangirls ni Dindo Gomez, lalo na ang branch manager ng CPI bank at yung babaeng nailigtas nya. I guess sina Arlyn and company din, nandun sa side, cheering.

"Magandang hapon po sa inyong lahat. Hindi man po ako kasing tagal sa pulitika dito sa Enidouka ay naniniwala ako na magagawa po nating mas mapaunlad pa ang Enidouka, gaya ng panunungkulan ko bilang Congressman sa Pilipinas. Muli, ako po si Marvin Salcedo, tumatakbo sa pagka-Mayor ng San Pedro City! Mabuhay ang Enidouka!"

Dahil sanay na sa mga political speeches, rallies at kung anu-ano pa si Marvin, hindi na bago sa kanya ang mag-move sa Enidoukan politics. At least dun, halos walang corruption at walang bias at higit sa lahat, walang mga MAGNANAKAW at JUDGMENTAL.

Supportive pa rin sa kanya si Riza at ang kanyang pamilya. Ang kanyang ama na nagbalik-loob na mula sa pagiging buwaya ay masayang-masaya na ngayon para sa kanyang anak.

Pagkatapos nilang ipakilala ang kani-kanilang mga councilors, nag-intermission ang bawat panig. Sa side ni Dindo ay ang mga Nobodies na kulay light gray at mga Heartless na kulay black na sumasayaw na parang ewan, pero graceful. Sa side naman ni Marvin ay ang mga Dream Eaters na mula sa panaginip at mga weird-looking na mga Unversed. 

Pero sa gitna ng daan, biglang may surprise intermission. Siguro pakana ito ni Sans kasi nakangiti sya, oh.

"Why am I feeling? this is a crazy law"
"You can have many looks, even how you're born"
"Why am I feeling, this is a crazy law"
"I'm not trying to show you something wrong"

Apat na mga maskuladong lalaki na surprisingly, malalambot ang mga katawan at naka-heels habang sumasayaw, ang napadpad sa gitna ng political rally grounds kaya biglang na-divert ang atensyon ng lahat, maging ni Dindo at Marvin. Very mesmerizing ang bawat galaw ng bawat kalalakihang sumasayaw. Sila ang grupong Kazaky.

Maya-maya pa ay nag-decide si Toby at si Anna na kunin yung mga power tools nila mula dun sa portal papunta at pabalik sa lungga nila sa Bundok ng Ebott. Nakuha nila ang jig saw, power router, demolition jackhammer, drill press, weed wacker (grass cutter) at meron din silang hoverboard na nakuha nila mula kay R (naiwan nya somewhere sa Waterfall). 

Pinagamit nila ito sa Kazaky at habang sumasayaw sila, nag-mistulang "Satisfaction" music video na nga. This time, totoong daring na nga! Bonggalicious!

Napadaan din si Kim Jong Wan at ang iba pang bandmates niya sa Nell. Nakasabay din nila si Minzy na pilit tinatawagan si Dara. Pareho silang kakaalis lang sa kani-kanilang mga managements. Sad.

Nagulat si JW dahil hindi niya inaasahan na si R ay medyo kahawig nya pala...or dahil lang ba sa glasses? Ewan ko din, haha.

Anyway, dahil sa kaguluhan, nagdecide na i-cancel nalang muna ang political rally. Nagsama muna sa tabi si Dindo at Marvin at ang kanilang mga kampo habang nanonood ng Kazaky, na sinangatan na rin ng Nell at ni Minzy. Bigla na ring dumating si Dara dahil sa tawag ni Minzy. 

And meanwhile, dumating din si Tao (at si Beibei) and si Luhan na naka-Quadtarotale costumes pa!

Naging masaya somehow ang extremely chaotic political rally na ito. Naupo na lang muna sa isang tabi sina Toby at Anna habang nanonood ng free concert. Binigyan sila ng mga buto ni Papyrus at ni Sans. Everybody happy! ' v '

THE END (?)

No comments:

Post a Comment